Singsing na 3 taon nang nawawala, natagpuang muli dahil sa carrot

ISANG masuwerteng lalaki sa Germany ang natagpuan uli ang wedding ring na kanyang naiwala tatlong taon na ang nakararaan.

Natagpuan ito ng hindi na pinangalanang 82-anyos na retiree na nakasuot sa isa sa mga carrot na kanyang pinatubo sa mismong hardin.

Ayon sa report ng German broadcaster na WDR, nawala ang singsing ng matanda habang siya ay nagga-gardening sa kanyang tahanan sa bayan ng Bad Muenstereifel.

Nawala ang singsing noong katatapos lang magdiwang ng golden wedding anniversary ng retiree at ng kanyang asawa.

Hindi naman nang­­hinayang ang kanyang asawa sa pagkawala dahil naniniwala ito na nasa hardin lang ang singsing at makikita itong muli.

Hindi nga nagkamali ang kanyang asawa ngunit huli na ng magkatotoo ang sinabi nito dahil nabiyudo ang retiree anim na buwan na ang nakararaan.

Show comments