Guidelines ng DepEd at PAGASA ukol sa bagyo

KAHAPON ay tumama ang malakas na bagyong Lawin sa mga lalawigan sa Northern at Central Luzon.

Pero sa Metro Manila ay signal number 1 lang ang idineklara ng PAGASA na kung ang pagbabatayan ay ang guidelines ng Department of Education (DepEd) ay tanging pre-school o nasa kindergarten .

Idineklarang walang pasok sa lahat ng antas mula pre school, elementary, high school at kolehiyo sa National Capital Region (NCR).

Pero ang masaklap dito ay umaraw at kung umulan man ay ambon o napakahina lang na tila nasayang ang araw o panahon ng mga mag-aaral sa Metro Manila.

Alam natin ang diskarte ng mga lokal na opisyal na takot o umiiwas na mabagsakan ng sisi sakaling sumama ang panahon at hindi agad nagdeklara ng suspensiyon ng klase.

Pero malinaw naman na may sinusunod na patakaran na inilabas ng DepEd at ang batayan ay ang storm signal mula sa PAGASA.

Hindi ito ang unang pagkakataon sa katunayan ay napakaraming deklarasyon sa pagsuspinde ng klase pero umaaraw o maganda naman ang panahon. 

Pero may pagkakataon naman na napakalakas na ng ulan kahit wala ng bagyo at bumabaha na ang ilang lugar sa Metro Manila ay napakabagal naman maglabas ng desisyon ang mga lokal na opisyal.

Sana naman ay sundin na lang muna ang guidelines ng DepEd at pagbatayan na lang ang ilalabas na storm signal ng PAGASA upang hindi rin masayang ang panahon ng pag-aaral ng mga estudyante.

Show comments