Sir Juan (94)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 15, 2016 - 9:00am

PATUNGO sa laundry room si Mahinhin nang makita ni Nectar. Sinundan nito si Mahinhin. Nagtataka siya kung bakit narito na si Mahinhin. Kailan kaya nagbalik ang star ng KOLEHIYALA? Alam kaya ni Sir Juan na nagbalik ang malaswang si Mahinhin.

Nang maabutan ni Nectar, wala nang pagpipigil pa at agad tinanong.

“Bakit narito ka? Di ba pinalayas ka na rito?”

Pero walang sinabi ga-putok man si Mahinhin. Hindi niya kinalilimutan ang mga sinabi ni Sir Juan na huwag magre-react sa mga sasabihin ni Nectar. Dedma lang.

Ganun ang ginawa ni Mahinhin.

At lalo namang nakadama nang pagkainis si Nectar. Parang nagsalita siya sa tuod. Ni hindi siya tiningnan ni Mahinhin.

“Bingi ka ba? Bakit ka narito? Pinalayas ka na rito di ba?”

Pero walang reaksiyon si Mahinhin. Hindi siya sasagot. Hayaan lang niyang magsalita nang magsalita si Nectar.

“Ang kapal ng mukha mo, pinalayas ka na rito pero bumalik ka pa. Marami nang nakaaalam na nagsasayaw ka nang hubad sa KOLEHIYALA. At hindi ka na natatakot kay Sir Juan?’’

Gusto nang sumagot ni Mahinhin pero tiniis pa rin niya. Sige lang, dumakdak ka nang dumakdak.

“Ayaw mo talagang magsalita? Sige pupuntahan ko na lang si Sir Juan para ipaalam na narito ka. Baka hindi pa niya alam na narito na ang nude dancer. Tingnan ko lang kung hindi ka ipagtabuyan palabas.’’

Wala pa ring kibo si Mahinhin.

Umalis si Nectar. Inis na inis dahil walang nakuhang sagot kay Mahinhin.

Gustong humalakhak ni Mahinhin. (Itutuloy)

ACIRC ALAM ANG AYAW BAKIT BINGI MAHINHIN NANG PERO SIGE SIR JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with