Disyerto na may makulay na buhangin, matatagpuan sa Mauritius

MAY isang kakaibang disyerto na matatagpuan sa isla ng Mauritius na malapit sa baybayin ng Africa sa Indian Ocean.

Kakaiba ang disyerto dahil sa kakaibang kulay ng mga buhangin nito. Sa halip kasi na pangkaraniwang kulay ay may iba’t ibang kulay ang mga buhangin sa disyertong pinangalanang “Seven-Colored Earths”.  Iyon ang naging  tawag sa disyerto dahil nahahati may pitong kulay ito. May mga buhangin kasi itong kulay kape, pula, berde, asul, lila, at dilaw.

Nabuo ang disyerto mula sa pagsabog ng mga sinaunang bulkan, at nagkaroon ng iba’t ibang kulay ang mga buhangin nito dahil sa kalawang at sa pagkabilad ng mga ito sa iba’t ibang klase ng panahon.

Ipinagtataka naman nang marami kung bakit hindi nauubos ang mga buhangin ng “Seven-Colored Earths” sa kabila ng madalas na pag-ulan sa Mauritius. Kahit kasi anurin pa ng tubig-ulan ang mga buhangin ay nanatili pa rin ang pangkaraniwang dami ng mga ito.

Bukod sa kanilang sari-saring kulay ay kakaiba rin ang mga buhangin dahil kusang nagkukumpol-kumpol ang mga ito ayon sa kanilang mga kulay. Ito ang dahilan kung bakit mas lalong naging kapansin-pansin ang pagkakaroon ng disyerto ng mala-bahagharing kulay.

Naging isa ng puntahan ng mga turista ang “Seven-Colored Earths” ngunit binakuran na ito ng mga kinauukulan upang mapigilan ang posibleng pagnanakaw ng mga makulay na buhangin at para maprotektahan ang isa sa mga likas na yaman ng Mauritius.

Show comments