Manong Wen (146)

MAKALIPAS ang ilang minuto, dumating na si Jo sa kina­roroonan nina Princess.

“Princess!”

Mabilis na lumapit si Jo kay Princess at niyakap ito. Nakatingin ang mga dalagita sa dalawa. Nasi­siyahan sila sa pagdating ni Jo.

Nakita nila kung ga­ano kamahal nina Jo at Princess ang bawat isa. Talagang para sila sa isa’t isa.

“Mabuti at ligtas kayo Princess.”

“Oo. Ma­buti rin at alam ni Britney ang kumbinasyon ng numero ng pinto. Siya ang nagbukas kaya kami nakalabas.’’

“Muntik na akong mapagsarhan ng pintong iyon. Hustong sumasara ang pinto ay papara­ting naman ako. Ga-buhok na lang at sarado na.’’

“Salamat at narito ka na Jo. Hindi na ako matatakot at mahihirapan. Mayroon na kaming tagapag­tanggol.”

“Hindi ko kayo pababa­yaan, Princess. Pero siguro naman wala nang gaanong magtatangka sa atin dahil patay na si Chester.”

Sa sinabing iyon ni Jo ay biglang napa­mulagat ang mga dalagita. At saka bigla silang nagsigawan. Lumundag pa ang ilan dahil sa katuwaan.

“Patay na po si Chester, Sir Jo?” tanong ni Britney. Si Britney ay ginahasa ni Chester.

“Oo. Malagim ang kamatayan niya. Bumagsak sa kanya ang malaking aranya na may mga dekorasyong matutulis na bakal. Tumusok lahat sa kanya ang mga bakal. Pinagbayaran niya ang lahat ng mga kasa­lanang ginawa niya. Namatay agad siya dahil sa pagkatusok.’’

“Salamat po at na­matay na siya, Sir Jo.”

“Siya ang naging biktima ng kanyang sariling bitag.’’

“Makakahinga na po nang maluwag ang mga dalagitang katulad namin,” sabi pa ni Britney.

“Oo. Wala nang pa­nganib.’’

Maya-maya sinabi ni Jo sa lahat na aalis na sila.

“Kailangang makaalis na tayo rito. Pakiramdam ko, nauubusan ako ng ha­ngin.’’

“Kami rin Jo,” sabi ni Princess. “Parang nauupos kami.”

“Halikayo. Bilisan natin ang paglabas dito. Baka mayroong pi­na­singaw dito ang mga tauhan ni Chester para hindi tayo ma­ka­hinga.”

(Itutuloy)

Show comments