^

Punto Mo

Manong Wen (93)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MABILIS na nakapasok si Jo sa bakuran nina Princess. Kabisado na niya ang pasikut-sikot sa bakuran hanggang sa makarating siya sa likod na dati na niyang pinagtataguan. Inilabas niya ang maliit na flashlight at inilawan ang lugar na kanyang pinagtataguan. Naupo siya sa plastic na silya. Dahan-dahan ang pag-upo niya at baka may makarinig.

Nakiramdam siya. Tahimik na tahimik sa loob ng bahay. Ni kaluskos ay wala siyang marinig. May tao kaya? Madilim sa kusina. Sinipat niya ang dakong kuwarto nina Princess. May nakita siyang maliit na liwanag. Maaaring naroon na ang magkapatid. Natutulog na ang mga ito? Imposible. Masyadong maaga pa para sila matulog.

Dahan-dahan siyang lumapit sa tapat ng kuwarto nina Princess. Idinikit ang taynga sa dingding ng bahay. May narinig siyang nagsasalita. Idinikit uli niya ang taynga. Hanggang sa mahulaan niya kung sino ang nagsasalita --  si Precious! Nagmememorya ito ng lesson. Maaaring may exam.

Wala pang kasama si Precious! Nag-iisa lang ito. Wala pa si Princess!

Kinabahan si Jo. Hindi kaya nakidnap na si Princess ng dalawang lalaki? Hindi siya mapalagay. Maghihintay pa siya ng twenty minutes. Kapag hindi pa ito dumating, hahanapin na niya. Bahala na!

Pero bago nag-twenty minutes, narinig ni Jo na may nagbukas ng gate. Nagmamadali ang pagbubukas at pabagsak! Hanggang sa marinig niya ang pagkatok sa pinto sa harapan. Kasunod ang tawag.

“Precious! Precious! Buksan mo ito, dali!”

Si Princess ang tumatawag.

Narinig niya ang pagbubukas ni Precious.

Nang makapasok, hi-ngal na hingal si Princess. Pawisan ito. Ang buhok ay halatang pinagaspas ng hangin.

Narinig ni Jo ang pag-uusap.

“Anong nangyari Ate?”

“Dalawang lalaki ang nag-aabang sa akin sa gate ng school. Takot na takot ako!”

“Diyos ko! Anong ginawa mo Ate?”

“Sa likod ng school ako dumaan!”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANONG

DAHAN

HANGGANG

IDINIKIT

MAAARING

NARINIG

NIYA

PRINCESS

SI PRINCESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with