^

Punto Mo

Editoryal - Walisin ang scalawags sa PNP

Pang-masa

HANGGA’T hindi nagkakaroon ng reporma sa Philip­pine National Police (PNP), malabong maibalik ang totoong pagtitiwala ng mamamayan. Sa ngayon, marami ang naniniwalang kaya hindi ma­iangat ng  PNP ang kanilang imahe ay dahil sa ginagawang kabuktutan ng mga miyembro nito. Namu­mutiktik ang mga PO1 at PO2 na gumagawa ng masama na nagiging dahilan para lalong lumubog sa kumunoy ang PNP. Dagdag din naman ang gina­gawang pagmamalabis ng ilang opisyal kaugnay sa pag-aresto ng mga suspek. May mga pulis na inaaku­sahang pumapatay para lamang malutas ang kaso. May mga lumalabag sa checkpoint kagaya nang nangyari sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 na nagresulta sa pagkamatay ng 13 tao.

Noong Lunes ay nagdiwang ng ika-22 anibersaryo ang PNP. Pero ang pagdiriwang ay nataon sa panahong maraming kinasasangkutang isyu ang mga miyembro ng PNP. Mga sariling miyembro ang naglulubog sa kanilang organisasyon. Bukod sa isyu sa Atimonan shootout, may dalawang pulis na sangkot sa pangga­gahasa at pang-eextort sa isang babae. Ang dalawang pulis –  sina Police Officers 1 Jonathan Castro­ at Marvin Panaga ay inaresto ng mga kapwa pulis at sinampahan ng kaso. Ayon sa babae, nangyari ang panggagahasa sa kanya at pag-extort habang inaayos niya ang paglaya ng kanyang ka-livein na hinuli ng dalawang nabanggit na pulis dahil sa pag-ihi sa publikong lugar pero inakusahang may itinatagong droga.

Ilan lamang ito sa mga ginagawa ng mga pulis na scalawags. Marami pa sila. Sila ang nagpapalubog sa PNP. Kung nais ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na maibangon ang imahe ng organisasyon na pinamumunuan, huwag siyang tumigil sa pagbasag sa mga bugok. Walisin ang mga scalawags sa PNP!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ATIMONAN

JONATHAN CASTRO

MARVIN PANAGA

NATIONAL POLICE

NOONG LUNES

PNP

POLICE OFFICERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with