Ina, pinasuso ang mga sanggol na tigre

NOONG 2010, napabalita ang isang 44-anyos na babae sa California na pinasuso ang kanyang alagang aso para ito mabuhay. Sinabi ng babae, na hindi kailanman niya napasuso ang kanyang dalawang anak pero nagawa niya ito sa alagang aso. Marami ang bumatikos sa ginawa ng babae. Pero ayon sa babae, ginawa lamang niya ang alam niya’y tama para mabuhay ang alagang aso.

Pero hindi nag-iisa ang babae sa California sapagkat sa Yangon Zoological Gardens, Burma ay may katulad din niyang mapagmahal sa hayop.

Pinasuso rin ni Hla Htay, 40-anyos, isang wet nurse ang dalawang sanggol na tigre na nasa pangangalaga ng zoo.

Sinabi ni Hla, na naaawa siya sa mga sanggol na tigre kaya inio-offer niya ang kanyang mga gatas para sa mga ito. Matiyagang pinasususo ni Hla ang dalawang tiger cubs. Ayon pa kay Hla, hangga’t wala pang ngipin ang mga tigre, pagsisilbihan niya ang mga ito. (Hinango sa www.oddee.com)

 

Show comments