^

Police Metro

Suspek sa Makati road rage, naaresto

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Suspek sa Makati road rage, naaresto
Inieskortan ng mga pulis ang naarestong suspek na bumaril at nakapatay sa SUV driver sa naganap na road rage sa Makati City nitong Martes ng hapon. Kinasuhan ang suspek ng murder.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Naaresto na ang suspek sa pagba­ril at pagpatay sa driver ng Toyota Innova, kamakalawa ng hapon sa tunnel ng EDSA-Ayala, Makati City.

Iniharap ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang suspek na nakilalang si Gerrard Raymund Yu, negosyante, inaresto ng mga pulis sa kanyang tahanan sa Riverside Village, Pasig City, kahapon ng alas-7:00 ng umaga.

Sinabi ni Abalos na agad na pinaberipika ang plaka ng Mercedez Benz na BCS77 kaya natukoy ang suspek.

Nakuha rin kay Yu ang kotse at dalawang baril kabilang ang Taurus caliber 40 pistol na nagmatch sa nakuhang basyo sa crime scene.

Ayon kay Abalos, si Yu ay positibong kinilala ng ilang saksi sa insidente.

Lumilitaw din na nagpositibo si Yu sa gun powder nang isailalim sa paraffin test.

Sa pahayag ng ilang saksi, nakagitgitan ng suspek ang puting Innova na minamaneho ng biktimang si Aniceto Mateo, 65, alas-2:00 ng hapon nitong Martes sa Ayala tunnel sa bahagi ng EDSA southbound.

Nang paakyat ng tunnel, doon na binaril ng suspek ang sasakyan ng biktima at saka mabilis na tumakas.

Bunsod naman ng tama ng bala ng baril, nabangga naman ng biktima ang ilang motorsiklo na nasa kanyang unahan.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang naarestong suspek. — Ludy Bermudo, Mer Layson

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with