^

Police Metro

Pulis, ex-Army inaresto sa ‘escort service’

Manny Tupas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis at isang dating sundalo ang inaresto nang mahuli sa akto ang mga ito na nagbibigay ng motorcycle escort sa isang luxury vehicle sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon.

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na imbestigahan para madetermina ang illegal activities ng 45-anyos na pulis na nang HPG na dapat sibakin sa puwesto.

 “Paano nangyari ‘yun kung hindi alam ng immediate commander,” wika ni Marbil sa mga mamamahayag sa Camp Crame kahapon.

Ang nasabing pulis at ang kasama nitong 57-anyos na ex-Army ay nahuli na inieskortan ang isang  itim na Toyota Alphard minivan sa kanto ng  Diokno Avenue at ASEANA City, pasado alas-4:00 ng hapon.

Ayon kay HPG director Brig. Gen. Jay Cumigad na hindi nagawang maharang ng mga opera­tiba ng  HPG ang  luxury minivan na mabilis ang takbo.

Dinagdag pa ni  Cumigad na ang “moonlighting policeman” ay ginagamit ang isang motorsiklo na nakarehistro sa provincial government ng  Cavite habang ang dating sundalo ay gamit ang isang pribadong motorsiklo.

Hindi umano nila tanggap ang alibi ng pulis na pauwi na siya ng bahay gayung dalawa sila na magkasama sa pag-escort.

Ang dalawang suspek ay mahaharap sa kasong  usurpation of authority at illegal use of uniform or insignia sa Piskalya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with