Pangulong Marcos naglaan ng P3 bilyong ayuda sa lugar na naapektuhan ng bagyong Aghon
MANILA, Philippines — Nasa P3 bilyong ayuda para sa mga naapektuhan ng bagyong Aghon ang inilaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Maliban sa P3 bilyong standby funds, namahagi na rin ang pamahalaan ng P1.2 milyong halaga ng humanitarian assistance.
Sinabi pa ni Pangulong Marcos na mayroon na ring mga naka-prepositioned goods at stockpiles, para masiguro ang mas malawak at mabilis na tulong sa pamilyang apektado ng bagyo.
Tiniyak din ng pangulo na personal niyang tinututukan ang sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
Inatasan na rin ni Pangulong Marcos ang local government units (LGUs) na maging alert at rumesponde ng mabilis sa mga mangangailangan ng tulong.
Sa pagtaya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service (PAGASA), lalabas ng bansa ang bagyong Aghon sa araw ng Miyerkules.
- Latest