^

Police Metro

Drug dealer tiklo sa P3.4 milyong shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa umanong drug dealer ang naaresto ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa parking area ng isang mall sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang suspek sa alyas na Jalanin, 38-anyos, residente ng Brgy. 3, Nasugbu, Batangas na bumiyahe sakay ng kaniyang kulay itim na 2019 Avanza (NDM 3332).

Sa ulat ng pulisya, alas-10:00 ng umaga nang ilatag ng PDEA Cavite Provincial Office at PDEA 4A RSET 1 ang isang buy-bust laban sa suspek sa parking lot ng isang mall.

Pagdating ng suspek ay bitbit nito ang isang brown paper na kinalalagyan ng mga shabu at nang magkaabutan sa tumayong buyer ay inaresto na ito ng mga nakaabang na mga otoridad.

Umabot ng 500 gramo ng shabu ang nakumpiska sa suspek na aabot sa P3.4 milyong piso.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with