‘Censure’ parusa ng Kamara kay Alvarez
MANILA, Philippines — Pinatawan ng “censure” o pinatatahimik na ng Kamara si dating Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez dahilan sa ‘dishorderly behavior’ nitong Miyerkules ng gabi kaugnay ng panawagan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-withdraw na ng suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr.
Sa botong 186 ng mambabatas na pabor, lima ang tumutol at pito ang abstain ay ibinaba ng Kamara ang hatol laban kay Alvarez base naman sa rekomendasyon ng House Committee on Ethics and Priveleges na ang orihinal na napagdesisyunan ay isuspinde ng 60 araw si Alvarez.
Gayunman, hinarang ito ni Camiguin Rep. JJ Romualdo na ibaba ang parusa kay Alvarez na ‘censure’ na lamang o pinatatahimik ito sa halip na isuspinde matapos namang una nang iginiit ng huli na ginamit lamang umano niya ang kaniyang ‘freedom of expression’ sa kaniyang nasabi bunga ng pagkadismaya sa gobyerno.
Una nang isinalang ng Ethics panel sa imbestigasyon si Alvarez dahilan sa ‘dishorderly behavior “ nito dahilan bilang mambabatas ay dapat umanong maging ‘role model’ ito.
Si Alvarez ang ikalawang mambabatas na pinatawan ng parusa ng Kamara sa ilalim ng 19th Congress kung saan ang una ay ang nasuspinde at panghuli ay pinatalsik sa puwesto na si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. dahilan sa patuloy nitong pagliban sa imbestigasyon.
- Latest