Walang border control, travel restrictions sa COVID-19 spike sa Singapore – DOH
MANILA, Philippines — Kahit tumataas ang COVID-19 cases sa bansang Singapore ay wala pa ring planong magrekomenda ng border control, travel restrictions at mandatory na pagsusuot ng face mask ang Department of Health (DOH).
Ito ang nilinaw kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa isang pulong balitaan sa Malacañang.
“I’m not thinking border control, mandatory mask...’’ ayon pa kay Herbosa.
Nauna rito, napaulat na dumoble ang mga kaso ng COVID-19 na naitatala Singapore nitong mga nakalipas na araw.
Una na rin namang kinumpirma ng DOH na nakakapagtala sila ng bahagyang pagtaas ng COVID-19 sa bansa ngunit tiniyak na nananatili pa ring nasa low risk classification ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas.
- Latest