^

Police Metro

4 pulis-Laguna kinasuhan ng kidnapping

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na pulis-Laguna ang kinasuhan ng kidnapping sa piskalya dahil umano sa pagdukot at pagnanakaw sa dalawang drug suspects sa Brgy. Parian, Calamba City, noong Enero 11, 2024.

Kinilala ang mga kinasuhan sa piskalya na sina Captain Nat; Staff Sergeant Mal; Corporal Cas; Patrolman Satur na pawang mga nakatalaga sa Calamba police station at 4 john does.

Ayon kay National Police Commission (Napolcom)-Calabarzon director, Atty. Owen De Luna na bukod sa kasong criminal ay nahaharap din ang apat na pulis sa kasong administratibo dahil sa misconduct o malfeasance and conduct unbecoming of a police officer batay sa Napolcom memorandum circular No. 2016-002, rule 21, section 2C.

Nabatid na ang mga inakusahang mga pulis ay positibong kinilala ng mga nagrereklamo sa isang police line-up o identification process sa Calamba City Police Station noong April 12 at Police Regional Office 4A headquarters sa Camp Vicente Lim, Calamba City noong Mayo 6, 2024.

Nabatid na ang dalawang nagsampa ng rek­lamo ay sangkot sa droga na dinukot ng walong armadong kalalakihan at ang apat na nasabing pulis ay kasama doon.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with