^

Police Metro

Chinese trader kinidnap habang nagdya-jogging

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
Chinese trader kinidnap habang nagdya-jogging
Ang biktima ay residente ng Barangay Magsaysay Norte kung saan naroon ang kanyang bodega at negosyo na malapit lang umano sa ginagawang bagong pamilihang bayan ng Sangitan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang negosyanteng lalaki na Chinese national ang kinidnap ng mga hindi nakilalang lalaki habang nagdya-jogging nitong Martes ng umaga sa may Salazar St., Barangay Magsaysay Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Hindi pa pinapangalanan ng Cabanatuan City Police ang biktima ngunit kinumpirma nila ito na isang lehitimong trader ng sibuyas at may imbakan.

Ang biktima ay residente ng Barangay Magsaysay Norte kung saan naroon ang kanyang bodega at negosyo na malapit lang umano sa ginagawang bagong pamilihang bayan ng Sangitan.

Ayon sa ulat, maaari umanong pinag-aralan ng mga suspek ang mga galaw ng biktima kaya nang matiyempuhan na mag-aalas-5 ng umaga ang kanyang pagdya-jogging ay naisakatuparan ang pagdukot.

Wala pang matukoy na mga suspek ang pulisya habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon.

vuukle comment

KIDNAPPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with