Ex-PDEA agent Morales kulong sa Senado
MANILA, Philippines — Ikinulong sa Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales matapos siyang i-cite in contempt dahil sa pagsisinungaling sa pagdinig sa kontrobersiyal na ‘PDEA leaks’ na nag-uugnay sa ilang personalidad sa iligal na droga.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs, nagmosyon si Senador Jinggoy Estrada na i-cite in contempt si Morales matapos mahuling nagsisinugaling sa pagdinig.
Agad namang kinatigan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng komite, ang inihaing mosyon ni Estrada.
Si Morales ang signatory ng leaked documents, ang Authority to Operate and a Pre-Operation Report ng PDEA na may petsang Marso 11, 2012 laban sa ilang personalidad na sangkot sa iligal na droga.
- Latest