^

Police Metro

Babae pinatay, isinilid sa ice box ng kapitbahay

Cristina Timbang - Pang-masa
Babae pinatay, isinilid sa ice box ng kapitbahay
Nasa larawan ang babaeng biktima matapos madiskubre na nakasiksik sa loob ng isang ice box matapos na patayin sa bigti ng kapitbahay na siningil nito sa utang.
Cristina Timbang

Naningil ng pautang

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na babae ang pinatay ng kanyang kapitbahay nang ito ay magalit sa paniningil ng kanyang utang na kung saan ang bangkay ay isinilid sa ice box,naganap kamakalawa sa Golden Horizon Villas, Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Mari Joy Singayan, 26, residente ng nasabing subdivision.Habang tumakas naman ang suspek na kinilala sa alyas na Wilson, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima.

Ayon ulat, alas-9:15 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakasiksik sa isang ice box  sa bahay ng suspek sa Blk. 105, Lot 20-22 ng nasabing subdivision.

Ayon sa pulisya, bago nangyari ang krimen ay nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang si­ngilin umano ito ng utang na nagkakahalaga ng P50,000.

Wala umanong maiba­yad ang suspek na ikinagalit umano ng biktima hanggang nagkaroon sila ng palitan nang maaanghang na salita.

Dito ay napikon ang suspek kaya’t hinila nito papasok sa kanyang bahay ang biktima at sinakal hanggang kumuha ng  lubid at bigtihin.

Nang mapatay nito ang biktima ay isiniksik ito sa kanilang ice cooler at pagkatapos tumakas.

Ang misis ng suspek ang nagreport sa kanilang barangay nang aminin ng kanyang mister ang krimen at itinuro na ang bangkay ng biktima ay inilagay sa kanilang ice box.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with