Dalagita laslas dibdib sa kapitbahay

Ang biktima ay kinilalang si alyas Juana, estud­yante habang pinaghahanap na si Nicole Gamit, 23, residente ng Blk. 3, Brgy. Damayang Lagi, Quezon City na mabilis tumakas matapos ang insidente.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na dalagita ang inoobserbahan sa ospital matapos hatawin ng bote sa ulo at laslasin ang kanyang dibdib ng nakaaway na kapitbahay, naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy. Damayang Lagi, Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si alyas Juana, estud­yante habang pinaghahanap na si Nicole Gamit, 23, residente ng Blk. 3, Brgy. Damayang Lagi, Quezon City na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw kahapon sa eskinita ng La Felonila St., Brgy. Damayang Lagi, Quezon City ay naglalakad ang biktima kasama ang kaibigang si Leny Padilla nang makasalubong ang suspek at bumubulong.

Sinita ng biktima ang suspek sa ginagawang pagbubulong nito na ikinainis ng huli kaya’t kumuha ito ng bote at pinalo sa ulo at nabasag.

Hindi pa nakuntento, kinuha pa ng suspek ang basag na bote at nilaslas ang dibdib ng biktima.

Agad namang rumesponde ang taga-barangay at dinala ang biktima sa ospital.

Show comments