Obrero arestado sa P2.9 milyong shabu

Ang suspek na si alyas Baldwin, 32, residente ng Brgy. San Roque ng naturang lunsod at itinuturing na high value individual ay sinampahan ng kasong paglabag sa comprehensive drugs act of 2002.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isang obrero ang naaresto sa isang drug buy-bust operation sa Brgy. Pawa, Tabaco City, Albay kama­kalawa ng gabi.

Ang suspek na si alyas Baldwin, 32, residente ng Brgy. San Roque ng naturang lunsod at itinuturing na high value individual ay sinampahan ng kasong paglabag sa comprehensive drugs act of 2002.

Sa ulat, ilang araw na minanmanan ng mga pulis ang iligal na operasyon ni Baldwin hanggang magdesisyon ang Regional Drug Enfordement Unit ng PRO5 na ilatag ang drug buy-bust operation pasado alas-7:00 ng gabi.

Hindi na nakatakas pa ang suspek nang dakmain ng mga operatiba makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling isang bungkos na plastik na may lamang shabu na nagkakahalaga ng P100-libong piso.

Nang kapkapan ay nakunan pa ito ng tatlo pang bungkos ng shabu na tumitimbang lahat ng 425-gramo at nagkakahalaga ng P2.9 milyong piso.

Show comments