^

Police Metro

Karambola ng mga sasakyan: 3 patay, 17 sugatan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong katao habang 17 iba pa ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng ilang sasakyan sa Que­zon City, kama­kalawa ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5 na alas-9:37 ng gabi nitong Lunes, sa intersection ng Commonwealth Avenue at Fairlane Street, Brgy. Fairview.

Nabatid na inararo ng bus na minamaneho ni Rolly Canapi Pascua, 42, ng Brgy. Holy Spirit. Que­zon City ang dalawang motorsiklo, pagkatapos ay ang UV Express na tumama naman sa apat pang motorsiklo at taxi.

Isa sa mga nasawi ay isang 25-anyos na lalaki na taga-San Mateo, Rizal na sakay ng motorsiklo ang pumailalim sa bus na kung saan ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ang dalawa pang nasawi ay isang 45-anyos na babae at 7-anyos na batang babae na kapwa taga-Camarin, Caloocan City ay mga pasahero ng UV Express.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang mabilis na takbo ng bus bago ang naturang aksidente.

Nang tanungin ng pulisya, sinabi ni Pascua na nawalan ng preno ang kanyang minamanehong bus na naging sanhi ng aksidente.

Nasa kustodiya na ngayon ng QCPD si Pascua na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at damage to properties.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with