US, Philippines, France naval ships sama-samang naglayag sa WPS sa Balikatan

MANILA, Philippines — Sama-samang naglayag kahapon ang US, Philippines at France naval ships para sa isasagawang Multila­teral Maritime Exercise (MME) mula sa Puer­to Princesa City, Palawan patungo sa pagdarausan ng drill games sa West Philippine Sea (WPS).

Sa gitna na rin nang pagdedeploy ng China ng 124 barko at Chinese militia ships sa WPS matapos na mabatid ang isasagawang MME, may 12 nawtikal na milya sa labas ng pinag-aagawang teritoryo.

Sinabi ni Navy Captain Ariel Joseph Coloma, Spokesperson ng AFP Western Command (AFP-WESCOM), alas-9:00 ng umaga nang simulan ang paglalayag kung saan ang BRP Ramon Alcaraz ang unang umalis sa daungan ng Puerto Princesa City na sinundan naman ng BRP Tarlac at FS Vendemiaire (F374), isang Floreal -Class frigate ng French Navy. Ang USS Harpers Ferry ng US Navy naman ay alas -12:00 ng tanghali umalis sa Puerto Princesa City.  

Show comments