Pirma ng PNP chief ang kulang sa pagbawi ng mga baril ni Quiboloy
MANILA, Philippines — Inihayag ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo na pirma na lamang ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil ang hinihintay para sa pagbawi ng lisensiya ng nasa 19 baril na nakarehistro kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay kasunod nang rekomendasyon ang Firearms and Explosives Office (FEO) na bawiin ang license to own and possess firearms ni Quiboloy.
Bukod dito, may isa pa sa co-accused niya na nagmamay-ari ng isang baril ang inirekomendang bawian din ang lisensya.
Ipinaliwanag ni Fajardo na nakasaad sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Act ang naging basehan ng pagkansela ng LTOPF ng puganteng pastor.
Nauna nang sinabi ni Marbil na inaaral ng kanyang opisina ang pirmadong resolusyon ng FEO.
- Latest