Pangulong Marcos: VP Sara hindi sisibakin sa DepEd
MANILA, Philippines — Walang dahilan para sibakin si Vice President Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos matanong kung mananatiling miyembro ng kaniyang gabinete ang Pangalawang Pangulo matapos magsalita si First Lary Liza Araneta Marcos kaugnay sa kaniyang saloobin kay VP Sara.
Ayon sa Pangulo, hindi apektado ang kanilang trabaho ni VP Sara sa naging saloobin ng kaniyang kabiyak.
Binigyang-diin ng Presidente na maaalis lamang ang isang miyembro ng gabinete kapag hindi ginagawa ang trabaho, kung nagkasakit o kaya ay corrupt at hindi aniya ganito ang Bise Presidente.
Hindi naman nakikita ng Presidente na kailangan nilang mag-usap ni VP Sara dahil bilang asawa, maiintindihan nito ang naging sentimyento ng Unang Ginang matapos siyang banatan ng kaniyang miyembro ng pamilya.
Matatandaang matapos magsalita ang Unang Ginang laban Kay VP Sara ay may ilang mga mambabatas at ilang personalidad ang nanawawagan na magbitiw ito bilang miyembro ng gabinete.
- Latest