Bilang ng mga pamilyang naniniwalang sila ay mahirap, bumaba - survey
MANILA, Philippines — Batay sa resulta ng pinakahuling OCTA Research survey sa unang quarter ng 2024 ay bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng gutom at kahirapan.
Sa naturang survey, lumalabas na 42% o tinatayang 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap sa unang quarter ng tao.
Mas mababa ito kumpara sa 45% o katumbas ng 11.9 milyong Pilipino na nagsabing sila ay mahirap noong ika-apat na quarter ng 2023.
Ayon sa OCTA, nagpapakita rin ito ng tuluy-tuloy na downward trend sa self-rated poverty na nasa 50% noong Hulyo ng 2023.
Malaki ang ibinaba ng self-rated poverty sa Metro Manila na bumaba sa 29% mula sa 40%; mula rin sa 46% ay bumaba sa 28% ang self-rated poverty sa Balance Luzon; habang nasa 47% naman sa Visayas.
Bumaba rin sa 11% o katumbas ng 2.9 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2024.
Mas mababa rin ito ng 3% kumpara sa 14% self-rated hunger rate noong huling quarter ng 2023.
Kabilang naman sa mga rehiyong may pagbaba ng self-rated hunger ang Visayas at Mindanao.
Isinagawa ang Tugon ng Masa survey mula March 11-14 sa 1,200 respondents nationwide.
- Latest