^

Police Metro

Pagtugon ng PhilHealth sa pangangailangan ng senior citizens, isusulong sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
Pagtugon ng PhilHealth sa pangangailangan ng senior citizens, isusulong sa Kamara
Ayon kay Salceda, mga P1.6 milyon o 18 porsiyento ng kailangang P9.1 tril­yon ang kulang sa suporta para sa pangangailangan ng matatanda, kaya sinisikap nilang matugunan ito para madagdagan ang buwanang P3,000 mayroon ang karaniwan sa kanila, kaya nananatili ang mga 47% ng senior citizens sa matinding kahirapan.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Isusulong ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda kung paano matutugunan ng sapat sa ilalim ng PhilHealth ang pangkalusugang mga pangangailangan ng senior citizens lalo na ang mahal at nakakapilay na gastos sa mga gamot.

Ayon kay Salceda, mga P1.6 milyon o 18 porsiyento ng kailangang P9.1 tril­yon ang kulang sa suporta para sa pangangailangan ng matatanda, kaya sinisikap nilang matugunan ito para madagdagan ang buwanang P3,000 mayroon ang karaniwan sa kanila, kaya nananatili ang mga 47% ng senior citizens sa matinding kahirapan.

“Ito ang dahilan kung bakit nagtutulungan kami nina SC Party-list Rep. Rodolfo M. Ordanes, at National Unity Party-list Rep. Alfel Bascug na kumakatawan sa mga PWDs. Matagal-tagal ko na ring pinagtutuunan ng pansin ang mga isyu kaugnay sa pangangailangan ng mga SCs, ngunit maraming ‘chronic conditions’ ang sangkot doon na inaatupag ng PhilHealth kaya nangangailangan ito ng suporta,” paliwanag ng mambabatas.

“Ang kakulangan sa pondo para dito ay itinuturing na ‘acute’ o ‘catastrophic health care issue.’ Kung hindi ito matutugunan, malaking suliranin ang idudulot nito sa karaniwang mga pamilya na may matatandang kasapi. Lalong bibigat pa ang mga kasong ito na ngayon ay nasa ilalim ng responsibilidad ng PhilHealth.

“Pinag-aaralan ko ngayon ang hiwalay na pondong ‘insurance’ sa ilalim ng PhilHealth para matugunan ito. Naiiba ang ‘risk profile’ nito kaya kailangan ang hiwalay na pondo, bagama’t hindi pa naman said ang pondo ng naturang ahensiya,” dagdag niya.

vuukle comment

SENIOR CITIZEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with