Rambol: Binatilyo, dedo, 1 pa sugatan
MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang 17-anyos na binatilyo habang sugatan ang 16-anyos na binatilyo sa naganap na rambol ng dalawang grupo ng kabataan sa Quezon City, kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Mharnel dela Cruz, 17, ng No 33-D Evangelista, St Brgy. Tagumpay, Quezon City habang ginagamot sa naturang ding ospital si ‘Tony’.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang sampu suspek na sina Roy Andrew Rectin, 19; Shan Calupitan, 18; Francis Gonzales, 18; at mga menor de edad na sina ‘Patrick’, 16; ‘Seatiel’, 14; ‘John’, 14; ‘Onnie’, 16; ‘Jess’ 16; ‘Kieffer’ 16; ‘Avinash’, 15, habang nakatakas si ‘Almar’, 17.
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nangyari ang insidente, alas-12:30 ng madaling araw sa Aurora Blvd.,Barangay Quirino 3-A, Quezon City.
Nabatid na may kausap na grupo ng kabataan ang mga biktima sa naturang lugar nang lumapit ang grupo ng mga suspek na humantong sa suntukan.
Gamit ang barbecue stick at kutsilyo, sinaksak nina ‘Patrick’ at ‘Seatiel’ ang biktimang si Dela Cruz sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pinagpapalo naman ng silya si Guerrero.
Dito pinagtulungan ng mga suspek ang mga biktima hanggang rumesponde ang ilang tauhan ng barangay at tauhan ng Anonas Police Station at naaresto ang sampu kabataan.
- Latest