15-anyos lalaki, tinodas ng kapwa menor-de-edad
MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi matapos pagbabarilin ng mga nakarambulang mga kapwa menor-de-edad sa Purok Osmeña, Brgy.Buhatan, Sorosogon City, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.
Isang tama ng bala ng sumpak sa dibdib ang agad ikinasawi ng biktima na kinilala lamang sa pangalang Buddy Oriba, residente ng naturang lugar.
Sumuko naman ang limang mga kabataang suspek na lahat residente ng Brgy.Abuyog ng naturang lunsod.
Sa ulat,bandang alas-10:30 ng gabi sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon nang rambol sa pagitan ng mga kabataan.
Sa gitna ng away isa sa limang mga suspek na may dalang sumpak ang malapitang binaril sa dibdib ang biktima na agaran nitong ikinasawi.
Patuloy ang imbestigasyon at inihahanda na ang isasampang kaso nang pagpatay ng mga suspek.
- Latest