^

Police Metro

Gadon sumaklolo kay FL vs VP Sara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumaklolo si Presidential Adviser on Pover­ty Alleviation Secretary Larry Gadon kay First Lady Louise “Liza” Arane­ta-Marcos, at pina­yuhan pa si Vice Presi­dent Sara Duterte na hanapin ang sarili nito, sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng Unang Ginang at Bise Presidente.

Matatandaang iniha­yag ng Unang Ginang ang kanyang pagkabahala sa mga ipinakikitang pag-uugali ni Inday Sara na tila dumidistansiya na sa administrasyong Marcos.

Sabi ni Gadon, kaila­ngan “ire-examine” ng Bise Presidente ang kanyang mga posisyon dahil ang pagdalo nito sa mga rally ay nagpakita na tila gusto nitong maghasik ng destabilisasyon na hindi magandang makita ng mga Pilipino.

Maging ang Pangulong Bong Bong Marcos ay nagsabi na rin na ang kanyang relasyon sa pamilya ng mga Duterte ay “complicated”. Paliwanag niya, ang pagdalo ni VP Sara sa mga tinatawag na ‘Peace Rally’ o’ ‘Prayer Rally” sa pangu­nguna ng kanyang mga kaanak ay tila pagpapakita ng destabilisasyon. “Peace rally, Prayer rally, turned destabilization rally.

“Saan ka nakakita na peace o prayer rally pero lahat ng naroon ay masasama ang sinasabi tungkol kay Pangulong Bong Bong Marcos?” dagdag ni Gadon.

Nanawagan din si Gadon sa iba pang nasa likod ng mga rally na nabanggit na itigil na ang pagdaraos ng mga ganitong gawain dahil nakakasama lamang ito sa ekonomiya ng bansa.

vuukle comment

LARRY GADON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with