LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay sa mga solo parents

MANILA, Philippines — Ngayong araw ay magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga ‘naytay’ o solo parents bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Solo Parent’s Day.

Sa abiso ng LRT-2 at ng MRT-3, ipapatupad ang naturang libreng sakay sa peak hours ng operasyon ng mga natu­rang linya, mula 7:00AM hanggang 9:00AM, at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa nasabing araw.

Upang mai-avail ang libreng sakay, kinakailangan lamang ng mga naytay na magpakita ng balidong solo parent’s ID o Solo Parent Certificate of Eligibility sa stations personnel.

“Ayon sa pamunuan ng LRTA, ang libreng sakay sa LRT-2 ay para makapagbigay ng inspirasyon sa mga solo pa­rent na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya,” anang Light Rail Transit Autho­rity (LRTA), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-2.

Show comments