^

Police Metro

Mga residente ng Benguet aayudahan ng cash at bigas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aayudahan ng cash at bigas ng pamahalaan ang mga residente ng Benguet sa Linggo.

Pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang cash and rice distribution o card program ng pamahalaan sa Benguet na ika-20 lalawigan na bibigyan ng ayuda ng gobyerno para sa mga mahihirap na kababayan.

Ayon kay House Speaker Romualdez, tinutupad lang ng Pa­ngulong Marcos ang pangako na prayoridad sa kanyang adminis­trasyon ang mga mahihirap na sabay-sabay na aahon at hindi sila maiiwan.

“Ang kongreso ay naglaan ng malaking ha­laga para sa programang ito at tuloy-tuloy ito sa ilalim ng kasalukuyang administras­yon,” ani speaker Romualdez.

Tiniyak pa ni Romualdez na  lahat ng lalawigan sa bansa ay dadaanan ng ayuda program ng pamahalaan na ang  layon ay para makaagapay ang mga maliliit na kababayan natin sa mga gastusin at pagkain sa araw-araw.

Para naman kay ­Benguet Lone District Cong. Eric Yap, ang pagdala ng ayuda ni Romualdez ay nati­yempo kung saan ay nararanasan ang matinding El Niño sa lugar.

Pinasalamatan din ni Cong. Yap ang Pangulong Marcos at si Spea­ker Romualdez sa ayuda na ibababa sa kanyang distrito.

vuukle comment

BENGUET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with