^

Police Metro

2 Chinese inaresto sa illegal firearms, panunuhol

Ludy Bermudo - Pang-masa
2 Chinese inaresto sa illegal firearms, panunuhol
Kinilala ang naarestong suspek na si Haiqiang Su, 24-anyos nang isilbi ang search warrant, alas-8:30 ng umaga nitong Linggo sa kanyang bahay sa No. 37 Lavender St., Mahogany Place 3, Barangay Bambang Taguig City at narekober ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril, helmet na may nakasulat na “China”, tactical vest, at Chinese flag.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Dalawang Chinese nationals ang inaresto ng mga otoridad nang mahulihan ng mga matataas na kalibre ng armas at tangkang panunuhol sa Taguig City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Haiqiang Su, 24-anyos nang isilbi ang search warrant, alas-8:30 ng umaga nitong Linggo sa kanyang bahay sa No. 37 Lavender St., Mahogany Place 3, Barangay Bambang Taguig City at narekober ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril, helmet na may nakasulat na “China”, tactical vest, at Chinese flag.

Bukod dito ay sinamsam din ang mga luxury vehicles kabilang ang McLaren sports car na nagkakahalaga ng P15 to P30 milyon.

“Firearms na high-powered, complete with protective gears, bullet (proof) vest, ballistic helmet, pandigma ito eh mga armas. Is he a gun lover? Ano yung personality niya?”, wika ni NCRPO chief, Police Major General Jose Melencio Nartatez.

Sa nasabi ring operasyon, dalawa pang Chinese national na nadatnan sa nasabing bahay ang isinasailalim sa beripikasyon.

Inaresto rin ang isang Jerry Mari Cheng nang duma­ting sa RSOG compound na nagdala ng 2 paper bags na may marking “9 Dynasty Group” at ipinasa sa isang kababayan niyang si Zhuang Guangdong na siyang nagtangkang isuhol sa mga pulis.

Nabatid na P3 milyon ang kabuuan ng perang tinanggihan at sa halip ay dinakip si Guangdong dahil sa bribery, habang si Cheng ay nakatakas.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with