^

Police Metro

4 todas sa pagbangga sa nakaparadang truck

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos bumangga ang isang van at motorsiklo sa nasiraang tractor truck sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Brgy. Trece Martirez, Casiguran, Sorsogon, kamakalawa.

Sa ulat ni Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office 5, ala-1:08 ng madaling araw nitong Martes unang sumalpok sa likurang bahagi ng nakaparadang tractor truck na nasiraan ng injection pump sa outer lane ng highway ang isang motorsiklo.

Sa lakas nang pagkakabangga ay dead-on-arrival ang lalaking rider sa Sorsogon Provincial Hospital sa Sorsogon City.

Dakong alas-4:30 naman ng madaling araw isang Hi-Ace Van na galing Metro Manila at patungo sana sa bayan ng Matnog ang sumalpok sa kanang bahagi ng naturang truck.

Sa lakas nang pagkakabangga, natanggal ang pintuan ng van at nabaklas ang dingding hanggang sa likurang bahagi ng sasakyan na kung saan namatay ang tatlong pasahero at dalawa ang nasugatan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, madilim ang lugar at posibleng hindi nakita ng dalawang sasakyan ang nakaparadang tractor truck.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with