Lady Spikers gustong makabangon agad

MANILA, Philippines — Pakay ni Shevana maria Nicola Laput at ng defending champions De La Salle University na makabangon agad mula sa pagkakadapa sa pagharap nila sa Adamson University sa second round ng UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament na lalaruin sa Araneta Coliseum ngayong araw.

Bandang alas-2 ng hapon ang simula ng paluan ng bola at sunod ang bakbakan sa pagitan ng Far Eastern University Lady Tamaraws at University of the East Lady Warriors sa alas-4 ng hapon.

Mula sa tuktok, su­memplang sa No. 3 sa team standings ang Taft-based squad nang payukuin sila ng National University, 25-22, 23-25, 18-25, 22-25 sa apat na sets noong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hawak ang 9-2 karta, sasalo ang Lady Spikers sa three-way tie sa No. 1 kapag tinalo nila ang Lady Falcons na may 3-8 card.

Parehong may tig-10-2 records ang University of Santo Tomas at last year’s runner-up, NU habang selyado na sa FEU ang No. 4 na may 7-4 karta.

Wala ng makakahabol sa FEU kahit may ilang laro na lamang ang nalalabi sa second round kaya laglag na rin sa kompetisyon ang Adamson U na nasa No. 6.

Show comments