^

Police Metro

Pangulong Marcos pinag-aaralan ang pagsali ng Japan sa RP-US Balikatan exercises

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasunod nang matagumpay na Philippines-US-Japan Trilateral summit na ginanap sa Washington, DC noong nakalipas na linggo ay pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad na payagan ang Japan na sumali sa Balikatan military exercises sa susunod na taon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para hindi isama ang Japanese military forces sa Balikatan exercises kaya pinag-aaralan niya itong mabuti.

Magandang hakbang aniya ito para sa Pilipinas dahil mapapadali ang pakikipag-ugnayan at pagtutok sa mga lugar kung saan mayroong problema at magamit ng husto ang mga resources.

Kapag naisali aniya ang Japan sa Balikatan exercises ay makakatulong ito para mapanatili ang kapayapaan at katatagan, kalayaan sa paglalayag at pagsunod sa mga patakaran sa international law partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na titingnan nito kung ano ang maaring mga option sa ilalim ng Trilateral agreement para maisama ang Japan sa Balikatan dahil wala aniya siyang pagtutol sa ideya.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with