Marcos sa mga drug syndicates: Aabutan din namin kayo!

MANILA, Philippines — “Hindi ako makikipag bahala ka, bahala kayo sa ginagawa ninyo basta’t tuloy-tuloy lang kami, aabutan din namin kayo. Maliit lang ang Pilipinas.”

Ito ang mensahe ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr., sa mga sindikato ng illegal na droga matapos personal na inspeksiyunin ang pinakamalaking nasakoteng shabu ng mga awtoridad sa Alitagtag, Batangas nitong Martes na nagkakahalaga ng P13.3 bilyon.

Tiwala si Pangulong Marcos Jr., na maliit lamang ang Pilipinas kaya masusukol din ang lahat ng mga sindikatong sangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa Pangulo, hindi siya magbibigay ng babala sa mga sindikato basta ang gagawin ng gobyerno ay tuluy-tuloy lang ang pagtatrabaho laban sa illegal drug trade.

Taliwas sa madugong drug war na ipinatupad ng nakalipas na administrasyon, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na holistic approach ang ipinapatupad nila sa problema sa ilegal na droga sa bansa ng hindi kailangang pumatay at mayroong mapatay.

Sinabi ng Presidente na ang nasamsam na shabu sa Alitagtag, Batangas ang pinakamalaking nakuha ng mga otoridad, pangalawa sa nakuha sa Infanta, Quezon noong Marso 2022 na nagkakahalaga ng P11 bilyon.

Show comments