Luzon grid isinailalim sa Red at Yellow alert - NGCP

MANILA, Philippines — Dahil sa forced ­outage ng 19 na power plants ay isinailalim sa Red at Yellow alert ang Luzon grid kahapon ng  hapon.

Sa abiso ng Natio­nal Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ­sinimulang ­ipatupad ang Red alert  status mula 2 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon at alas-6:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang Red alert status ay inilalabas kapag ang suplay ng kur­yente ay hindi sapat at  upang matugunan ang pangangailangan ng mga consumer at ang mga kinakailangan sa pagkontrol ng transmission grid.

Ipapatupad naman ang Yellow alert status mula  ala-1:00 ng hapon hanggang alas-2:00 ng hapon, alas-4:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi  at alas-9:00 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi.

Ang Yellow alert ay ibinibigay kapag ang ­operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang mga kinakailangan sa contingency ng transmission grid.

May 12 power plant naman ang nasa forced outage, habang ang 5 iba pa ay tumatakbo sa ­derated capacities, sa kabuuang 676.5MW na hindi available sa grid.

Show comments