DepEd pinayagan ang mga guro na magsuot ng alternatibong uniporme

Students of Aurora Aquino Elementary School in Malate, Manila actively participate during their first day of classes .
STAR / Edd Gumban

Dahil sa mainit na panahon….

MANILA, Philippines — Binigyan ng pahintulot ng Department of Education (DepEd) ang mga guro sa pampublikong paaralan na magsuot ng alternatibong uniporme upang maging komportable sila sa kanilang pagtuturo kasunod nang matinding init ng panahon na nararanasan.

Naglabas din ang DepEd ng mga gabay para sa lahat ng kanilang teaching at non-teaching personnel, hinggil sa uri ng alternatibong uniporme na maaari nilang gamitin.

Kabilang sa maaaring gamitin ng mga teaching at non-teaching personnel ay ang mga collared DepEd polo shirt na ginamit nila sa mga nagdaang DepEd events at activities.

Kabilang anila dito ang Brigada Eskwela, ­Palarong Pambansa, Oplan Balik Eskwela, Regional Division/School Conferences at iba pa.

Maaari rin umanong gamitin ng mga ito ang mga puting collared polo shirt na may DepEd at MATATAG logo.

 Anang DepEd, maaaring ternuhan ng mga guro ang mga naturang polo shirts ng matte black pants, anuman ang uri ng tela nito.

Gayunman, nagpaalala ang DepEd, na bawal ang pagsusuot ng leggings at jogging pants.

Show comments