Mag-ina, pinatay ng senglot

MANILA, Philippines — Isang mag-ina ang walang awang saksakin ng lasing na kapitbahay nitong Lunes ng gabi sa Purok Punta Blanco, Barangay Lunib, Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang nasawing mag-ina na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan na sina Maria Shennah Wayan Capilitan, 32; at anak na si Fe,14-anyos.

Sa ulat ng pulisya, sinugod ng suspek na si Juranie Salazar, 27, ang anak ni Capilitan sa isang tindahan at agad na pinagsasaksak na agad nitong pinatay.

Nang malaman ng ina ang sinapit ng anak ay pinuntahan nito ang lugar ng krimen na kung saan ay agad din siyang pinagsasaksak ng suspek sa mga maselang sugat sa dibdib at iba pang parte ng kanyang katawan na ikinasawi agad nito.

Naaresto ang suspek na kinasuhan ng double murder.

Show comments