Unang araw ng tigil-pasada, walang epekto sa daloy ng trapiko

Nag-aabang ng masasakyang jeep ang mga mananakay sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City sa gitna na tigil-pasada kahapon.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Iniulat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes na walang naging epekto sa daloy ng trapiko sa National Capital Region (NCR) ang ikinasang tigil-pasada ng mga grupong MANIBELA at PISTON kahapon.

Ayon kay Artes, batay sa kanilang pakikipag-usap sa mga kinatawan ng dalawang grupo, pinili muna ng ilan sa kanilang mga miyembro na bumiyahe muna bago sumama sa kanilang protesta.

Gayunman, may naka-standby silang mga sasakyan na para magbigay ng libreng sakay katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang hindi mabalam ang biyahe ng mga maaapektuhang pasahero.

Show comments