^

Police Metro

3 Daulah Islamiyah-Maute terrorist todas sa encounter

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute terrorist group ang napatay habang isang sundalo ang sugatan sa isang sagupaan  sa liblib na bahagi ng Brgy. Lindongan, Munai, Lanao del Norte, kamakalawa.

Kinilala ang mga napatay na terorista na sina Nezrin Sandab, alyas Firdaus; Saipal Abubacar alyas Fariz at Pabo Zainoden Radia, alyas Musab.

Sa ulat ni AFP-Westmincom Chief Lt. Gen. William Gonzales, kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo nang masabat ang grupo ng mga terorista na nauwi sa bakbakan.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok hanggang sa mapilitang magsiatras ang mga kalaban na naghiwahiwalay ng direksiyon sa kagubatan at  inabandona ang tatlo nilang kasama na napatay habang isang sundalo ang nasugatan.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang bangkay ng tatlong tero­rista at tatlong M14 files, isang 7.62 MM ammunition, anim na backpacks sa isinagawang clearing operation sa encounter site.

vuukle comment

DAULAH ISLAMIYAH-MAUTE

TERRORIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with