Agri-Kaagapay umayuda sa 1K pamilya na nasunugan sa Tondo

MANILA, Philippines — Nagbigay ng tulong ang ACT-Agri- Kaagapay Organization sa may 1,000 pamilya na nawalan ng tahanan sa isang sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila, kamakailan.

Pinangunahan ni civic leader Virginia Ledesma Rodriguez, founder ng Agri-Kaagapay organization, ang relief operation sa pamamagitan nang pamamahagi ng mga damit, hygiene items, pagkain at tubig sa mga pamilyang apektado ng sunog na nasa covered court sa Brgy. Isla Puting Bato.

Nangako si Rodriguez na patuloy na magkakaloob ng suporta at tulong para sa mga biktima ng sunog sa abot ng kanyang makakaya.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga lokal na lider at mga pribadong organisasyon dahil sa kanilang collective efforts at pagkakaisa upang malampasan ang mga kinakaharap na hamon.

Bukod sa pagiging founder ng Agri-Kaagapay, si Rodriguez rin ang pangulo ng organisasyon na nagsusulong ng kapakanan at nag-aangat ng buhay ng maliliit at mahihirap na magsasaka at indigenous peoples (IPs).

Show comments