PDEA, PCG sanib-puwersa vs illegal drugs

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo, idineklara ang mahigpit na pagbabawal ng smuggling, pagbiyahe at transhipment ng illegal drugs at mga sangkap nito sa pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas.
STAR / File

MANILA, Philippines — Upang mapaigting ang kampanya laban sa illegal na droga, nagsanib puwersa na ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa puspusang pagbaban­tay sa mga pantalan at maharang ang pagpasok ng droga sa bansa.

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) nina  PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan at PDEA Director General Undersecretary Moro Virgilio Lazo, idineklara ang mahigpit na pagbabawal ng smuggling,  pagbiyahe at transhipment ng illegal drugs at mga sangkap nito sa pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Magsasagawa ng regular na pulong ang PCG at PDEA upang talakayin ang mga operasyon, ang kasalukuyang kalagayan ng mga programa at pagbalangkas ng mga estratehiya upang makamit ang layunin ng kasunduan at magpalitan ng mga kaalaman at  best practices patungkol sa drug smuggling, transportation and transshipment

Sa ilalim ng MOA, pangungunahan ng PDEA  ang narcotics investigation at ang anti-drug operations habang aalalay ang  PCG sa pangangalap, pango­ngolekta, pagproseso at pag-analisa ng mga impormasyon upang maharang ang pagpasok ng illegal drugs sa mga pantalan o coastlines ng Bansa.

Ang PDEA personnel ay isasali na rin sa  PCG sa inspection ng mga merchant ships at mga barko.

Show comments