Gagamit ng plakang ‘8’ pinahuhuli ng Kamara
MANILA, Philippines — Dahil sa naglipanang pekeng plaka, pinahuhuli ng Kamara de Representantes sa Land Transportation Office (LTO) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang sinumang indibiduwal na gumagamit ng number “8” plate na para lamang sa mga kongresista at ipinakukumpiska rin ang mga expired na plaka.
Ito ang inihayag ni House Secretary General Reginal “Reggie” Velasco na nilinaw na hindi inawtorisa ng Kamara sa ilalim ng liderato ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paggamit ng official plate sa mga behikulo na para lamang sa mga miyembro ng Kamara sa kasalukuyang 19th Congress.
Ang number “8” plate ay ginagamit bilang protocol plate para sa mga miyembro ng Kamara kung saan ang Presidente ay number “1”; Bise Presidente, “2”; Senate President, “3”; House Speaker,“4”; Chief Justice, “5” ; Cabinet Secretaries, “6”; at Senador, “7”.
Samantala, ipinakukumpiska rin ni Velasco sa LTP at MMDA ang paggamit ng mga expired na plaka at maging ang mga kahina-hinalang plaka.
“These plates hold no official sanction from the House and are not to be considered legitimate,” saad ni Velasco.
- Latest