^

Police Metro

Grade 10 na nagbibisekleta bumangga sa poste, todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang lalaking Grade 10 student matapos bumangga sa poste habang nagbibisekleta sa isang palusong na kalsada sa San Mateo, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Shawn Harvy Salvador, 16, Grade 10 student, dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, alas-7:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa palusong na bahagi ng Siko Timberland, Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo.

Sa salaysay sa pulisya ng ina ng biktima na si Maricel, nabatid na bago ang aksidente ay sakay ng isang mountain bike ang biktima.

Gayunman, pagsapit sa palusong na bahagi ng kalsada ay nawalan umano ng kontrol sa bisikleta ang biktima at bumangga sa poste.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with