^

Police Metro

Tricycle driver, dedo sa ligaw na bala

Mer Layson - Pang-masa
Tricycle driver, dedo sa ligaw na bala
Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Bagong Ospital ng Maynila ay kinilalang si Gonzalo Pacheco, 43, residente ng 1704 Dagonoy St., San Andres Bukid, bunsod ng tama ng bala sa katawan habang sugatan din ang tunay na target na si Ferdinand Pontanilla, 36, kapitbahay ng biktima.
File

MANILA, Philippines — Isang tricycle dri­ver ang nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa San Andres Bukid, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Bagong Ospital ng Maynila ay kinilalang si Gonzalo Pacheco, 43, residente ng 1704 Dagonoy St., San Andres Bukid, bunsod ng tama ng bala sa katawan habang sugatan din ang tunay na target na si Ferdinand Pontanilla, 36, kapitbahay ng biktima.

Agad na naaresto ang suspek sa krimen na si Virgilio Celis, alyas Utoy, 32, miyembro ng Batang City Jail, at residente ng 1661 Crisolita St., San Andres Bukid.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) -Homicide Section, alas-12:45 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Onyx at Dogonoy St., sa San Andres Bukid.

Ayon sa testigong si Rhea, bago ang pamamaril ay hinahabol ni Celis ang nakaalitang si Fontanilla at nang hindi maabutan ay pinaputukan umano ng suspek ngunit minalas na tamaan at mapuruhan si Pacheco na noon ay nakikipag-inuman sa lugar.

Tinamaan din naman ng bala sa likurang bahagi ng katawan si Fontanilla, na kaagad na naisugod sa ospital.

Nang makita naman ng mga residente ang pangyayari ay kaagad nilang kinuyog ang suspek na hawak pa ang .45 kalibre ng baril na ginamit sa pamamaril.

Nagkataon namang napadaan si PCpl Raymond Sotto sa lugar kaya’t kaagad nang inaresto ang suspek, na sasampahan ng kasong pagpatay sa piskalya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with