^

Police Metro

Mister, natagpuang patay sa hotel

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang mister ang nadiskubreng patay sa loob ng kanyang nirentahang silid ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay naki­lalang si Jose Aspiras, 57, at residente ng Musa St., Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat ni PCPL Charles dela Torre ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-2:40 ng mada­ling araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng hotel na matatagpuan sa Rizal Avenue, Sta. Cruz.

Sa imbestigasyon, alas-2:40 ng hapon kamakalawa nang mag-check-in ang biktima sa naturang hotel at matapos ang 12-oras, ay pinuntahan ng hotel staff ang biktima at pinaalalahanan hinggil sa oras ng pag-check out nito.

Wala umanong sumasagot sa loob ng silid kaya’t nagpasya na ang mga hotel staff na buksan ito, gamit ang duplicate key at tumambad ang bangkay ng biktima na nakahiga sa kama at nakasuot ng itim na t-shirt at itim na pantalon.

Ayon sa pulisya, posibleng sakit ang ikinamatay ng biktima dahil wala silang nakitang anumang sugat sa katawan nito na indikasyon ng foul play.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with