Marcos nababahala sa presensya ng Chinese warship sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dumaraming presensya ng barko ng China sa West Philippine Sea kung saan ang pinaka-latest ang namataang Chinese warship.
Sa ambush interview sa Pangulo, sinabi nitong dati ay mga barko lamang ng China Coast Guard at militia boats ang nakakalat sa West Philippine Sea pero ngayon ay mayroon ng presensya ng kanilang navy.
“It’s worrisome because there are two elements to that, one is dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw doon sa area natin. Ngayon, may navy na, sumama pa mga fishing boat,” saad ng Pangulo.
Tiniyak ng Presidente na patuloy pa ring idedepensa ng gobyerno ang maritime territory ng Pilipinas gayundin ang patuloy na pagsuporta sa mga mangingisdang namamalakaya sa mga teritoryong sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Nagbabago aniya ang sitwasyon, subalit hindi magpapatinag ang gobyerno at sa halip ay patuloy pa ring gagawin ng Philippine Coast Guard ang kanilang pagbabantay sa teritoryo ng Pilipinas upang matulungan ang mga mangingisda sa kanilang paghahanapbuhay.
- Latest