^

Police Metro

Pulis nahulog sa patrol car, nasagasaan ng van, tepok

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Doble ang naging kamatayan ng isang pulis na nasagasaan ng isang van matapos na  mahulog sa sinasakyang patrol car nang atakehin sa puso, kahapon ng umaga sa Brgy. Balite, San Miguel, Bulacan.

Kinilala ang nasa­wing pulis na si Patrolman Esmond John Arenas, 26, residente ng Brgy. Buliran, Cabanatuan City, Nueva Ecija at nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company na nakaistasyon sa Patrol Base sa Brgy. Buhol na Mangga, San Ildefonso, Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-5:00 ng umaga, ay sakay ang biktima ng patrol car na minamaneho ng kasamang si Patrolman Klein Orbita.

Habang binabagtas ang kahabaan ng DRT Highway ay biglang nanikip ang dibdib ni Arenas at nahirapang huminga na naging resulta ng aksidenteng pagkahulog sa patrol vehicle.

Nang mahulog ay dumaraan ang isang Mitsubishi L200 (SJS-946) na government vehicle ng Nueva Vizcaya na minamaneho ni Joel Rivera, 53 at nasagasaan ito at pumailalim.

Nadala pa sa San Miguel District Hospital ang biktima, subalit idineklara itong dead on arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with