^

Police Metro

Mister pinatay ng kapitbahay na kanyang ipinabarangay

Mer Layson - Pang-masa
Mister pinatay ng kapitbahay na kanyang ipinabarangay
Kinilala ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan na si Rommel Cartabon habang nakatakas naman ang kapitbahay na suspek na si alyas Joey Dela Cruz.
File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang mister nang barilin ng kapitbahay na kanyang ipina-barangay dahil sa kanilang away, kamakalawa ng gabi sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan na si Rommel Cartabon habang nakatakas naman ang kapitbahay na suspek na si alyas Joey Dela Cruz.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng inuupahang kuwarto ng biktima sa Don Nemensia St., Litex Village, Brgy. San Jose, Rodriguez.

Kasalukuyan umanong nasa loob ng kanyang silid ang biktima nang bigla na lang sumulpot ang suspek mula sa likurang bintana at walang kaabug-abog na binaril ng sumpak.

Ayon sa pulisya, tinitingnan nilang motibo sa krimen ang alitan ng magkapitbahay dahil bago ang krimen ay nagkaroon ng alitan ang mga ito na  nauwi sa pagpapa-barangay ng biktima sa suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with